Zab’s Crib – Unli Promo

Zab’s Crib – Unli Promo


Sa panahon ngayon na halos karamihan ng tao ay hinahanap ay unli promo may dinayo ako sa kabilang baranggay namin na nag-ooffer ng unli. Unli pasta, burger, pork and chicken ang pwede mong ma-experience dito sa Zab’s Crib sa Sabang, Baliuag, Bulacan.

Sa halagang P249.00 (choose two only) or P299.00 (all in) mabubusog ka na ng Zab’s Crib sa loob ng dalawang (2) oras. Maiksi man pero hindi ka naman masasaktan tulad ng sakit na iniwan sayo ng ex mo na after mo gastusan iniwan ka lang.

Sa baboy meron kang Lechon Kawali at Crispy Sisig samantalang sa pasta meron silang Creamy Carbonara, Meaty Spaghetti, Chicken Nutty Pasta, Alige Pasta at Pasta Espanola. Ino-offer din nila sa kanilang burger ang Roasted Chicken, Pulled Pork, Chicken Fillet, Fish Fillet at Chicken Nugget samantalang sa chicken meron silang pwedeng ihain na Garlic Buttered, Buffalo, Teriyaki, Garlic Parmisan at Golden Crispy. Hindi na masama ang lasa ng mga pagkain ang naging issue lang sakin is yung burger, hindi ako nag-enjoy sa buns na puro hangin at sa palaman na iilan lang ang piraso. Pero pagdating sa pasta at chicken wings for sure mapapaulit ka pa dahil malasa naman sya for P299.00 unlike sa iba na parang ketchup lang yung sauce mo sa pasta pag naka promo unli ka.

Para sa mga karagdagang detalye, pwede nyo bisitahin ang Zab’s Crib kung may gusto kayong i-clarify sa kanilang promo bago kayo pumunta.

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.