Hanap nyo ba ay authentic Japanese food kahit hindi na kayo mag-punta sa Japan?
Meron akong nadiskubre sa isa sa mga lugar na puntahan ng mga gimikero at gimikera sa Manila – sa Adriatico, Malate. Sa dami ng makakainan sa Adriatico ang laki ng naging epekto sakin ng Izakaya Kenta – kahit na first time ko palang kumain ng Japanese food noon. Unang punta ko sa Izakaya Kenta was September 2015 and since then kapag may time, bumabik balik kami ni Liit para lang ma-experience ang Japan kahit wala pa akong passport.
Bakit ngayon ko lang naisipan isulat ang Izakaya Kenta?
2015 pa talaga sya nasa list ng mga pending blog ko but during that time nawalan ako ng motivation para mag-sulat dahil aksidente kong na-delete ang blog ko (Tumblr base) at ngayong papasok ang 2018 at nag-sisimula ako ulit sa mundo ng blogging naisipan kong gawin first post ang Izakaya Kenta dahil ganun sya ka-special para sakin, samin ni Liit.
Ngayong panahon na ng mga get together, reunion, or sa mga naghahanap ng lugar para sa kanilang upcoming Christmas party pwede nyo subukan ang Izakaya Kenta lalo na’t meron silang Happy Hour promo – kung saan naka-50% off ang ilang piling mga food and drinks nila mula 9:00pm hanggang 12:00mn. Kabilang sa mga ito ang ilan sa kanilang mga best seller tulad ng Tako Potato at Okonomiyaki.
Meron silang Tatami room kung saan kasya ang walo (8) hanggang siyam (9) na katao or kung mas marami kayo pwedeng pwede pa din dahil bubuksan lang ang mga pinto na kumokunekta sa iba pang kwarto. Ang gusto ko sa sytle ng room is yung set up ng lamesa dahil may option ka kung anong upo ang gagawin mo habang kumakain. Pwede kang mag-ala hapones talaga at gayahin ang style ng pag upo nila or yung upong komportable para mas lalo ma-enjoy ang Happy Hour.
Feel Japan na ba? Samahan pa natin ng mga Japanese songs as background music na for sure yung ilan sa mga pinapatugtog nila ay pamilyar sa inyo, sa ating lahat. Para mas dama dama nyo pa ang Japan pwede kayo mismo sa Sushi Bar kumain. Lakas maka-episode ng Naruto di ba? Lalo na’t ang ilan din sa mga ramen nila ay kasama sa Happy Hour Promo.
Walang tapon sa lahat ng pagkain na meron ang Izakaya Kenta dahil lahat ng ginamit is nag-mula pa ng Japan at yung chef ay tatlong taon tinuruan mismo personal ng mga hapon na dating may hawak ng Izakaya Kenta tapos naka-50 off pa during Happy Hour? San ka pa?
Konting throwback na din para sa Izakaya Kenta, na-feature sila sa Kris TV last 2014
Para sa mga gustong magpa-reserve maari kayong tumawag o mag-message sa mga sumusunod!
- Telephone #: (02) 523-1874
- Mobile #: (63) 916-218-7958
- Facebook Page: Izakaya Kenta
Star or Not
- Lugar: 5⭐️
- Pagkain: 5⭐️
- Presyo: 5⭐️