Pampangeño Wolfies – Big Bad Wolf at Pampanga

Pampangeño Wolfies – Big Bad Wolf at Pampanga


After the Manila Leg ng Big Bad Wolf Books last February asa Pampanga naman sila ngayong July. Kaya naman, mga taga Central Luzon na dumaing na hindi nakapunta sa Metro ito na ang chance nyo makapag-hoard ng books mula sa isa sa pinaka-malaking book sale sa Pilipinas.

Dumayo ako nong VIP day (July 11, 2019) dahil nanalo ako ng three (3) pass. 8:30 palang ng umaga nagbu-build up na ang mga wolfies sa venue na kumukuha ng passes.

To be honest, nadismaya ako sa experienced ko sa sale ngayon ni Big Bad Wolf Books or baka dahil nasanay ako sa Manila Leg nila. First ang liit ng venue at hindi ganun kadami ang mga choices nila for VIP day. Unlike sa Manila Leg nila talagang hindi ka maiinip lumibot at mag-tyagang maghanap ng libro during the VIP day kahit gabi na ako nagpunta. Second, konti na nga lang ang choices pagpasok mo, yung mga balak mong kunin na-hoard na ng mga naunang pumasok. Basket basket talaga ang hoard eh. Wala naman akong magagawa dahil sales yun at kailangan nilang kumita kahit na isang tao lang ang kumuha ng 30pcs ng isang specific na libro. Pero dahil andon na din naman ako nag-tyaga na lang ako maghanap ng libro sa Treasure Island kesa sa mga nasa Best Seller.

At sa loob ng tatlong oras na paikot ikot naka labing isang (11) libro ako na nabili na nagkakahalaga ng Php 1,630.00.

  • The chosen (230.00)
  • The dog who spoke with gods (90.00
  • Paper town (190.00)
  • Red dog (90.00)
  • She regrets nothing (230.00)
  • Good dog (90.00)
  • Water for elephants (90.00)
  • Old yeller (90.00)
  • Leading the starbucks way (230.00)
  • Four (90.00
  • The chemist (190.00)

Open 24 hours ang nasabing book sale mula July 12 – 22 2019. Para sa mga taga Metro na gustong dumayo pumunta lamang sa terminal sa Cubao or sa Pasay or sa Sta. Cruz at humanap ng byahe dadaan ng San Fernando at sabihin sa konduktor na ibaba kayo sa Laus Group Event Center.

At sa mga nagpunta, may chance din kayo manalo ng voucher worth 700 pesos kung magpopost kayo sa inyong mga social media accounts gamit ang mga hasthtag na

  • #BBWPAMPANGA2019MYBOOKS
  • #BBWPAMPANGA2019MYPHOTO

Tulad ko nanalo ako dahil sa post ko sa fan page ng Camp Demidog.


Link : Click Me

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.