New Brand in Town – Migoreng and Sari Roti

New Brand in Town – Migoreng and Sari Roti


Wala naman masama kung subukan mong magpalit sa nakasanayan mo. Yung mga fucboi nga palaging nagpapalit after ng ilang linggo okay lang. Pero hindi sa relasyon tungkol ang article na to kundi sa bagong brand ng pagkain na natikman ko recently dahil sa recommendation ng officemate ko (Migoreng) at nakita ko sa Let’s Eat Pare Facebook Group (Sari Roti).

Never pa akong nag-try ng ibang brand talaga pagdating sa pancit canton, from day 0 na natuto akong kumain ng pancit canton, batang Lucky Me talaga ako. Kahit nong nag-rebranding ang Lucky Me at madami ang na-triggered dahil totoo namang nag-iba ang timpla nito hindi ko pa din iniwan si Lucky Me hanggang sa nag-commercial sila ng Popoy at Basha na mala One More Chance ang peg ay Lucky Me pa din ang first choice kong ipakain sa tropa kong taga-Baliuag pag nagkayayaan kaming mag-cantonan. Not until na pinatikim sa amin ng officemate kong si Angel Catahan ang dala nyang pancit canton nong minsan. After nong araw na yun, bumili ako agad ng Migoreng para malasahan ng buong buo ang bagong brand ng pancit canton sa Pilipinas. Well ang verdict nagpost ako and sinabi ko na ang #tropangpancitcanton ko sa amin is hindi na Lucky Me ang kakainin namin kundi Migoreng na. And iba sa kanila is kilala na Migoreng almost a year na so ako lang ang late bloomer samin. Infairness naman kasi masarap naman talaga sya at kahit na dati super bias ako pagdating sa Lucky Me kahit anong brand ang sabihin nila ngayon lang ako nag-decide na magpalit. Mabibili ang Migoreng sa mga available supermarket ngayon pero ako sa Waltermark at SM Supermarket ko palang sya nakikita. Sa halagang P12.50 mabibili mo ang isang piraso. May per pack din sila na naka 5pcs pero parang ganun pa din ang price.

Next na brand is ang tinapay na Sari Roti. Naintriga ako sa brand na to dahil almost everyday ko syang nakita sa mga post sa food group na kinabibilangan ko. So I decided na dumayo pa ng Robinson Manila dahil ang sabi is Robinson Supermarket palang available ang tinapay. Nong nakita ko sya may napansin ako na 10 points sya sa Robinson Reward Card. Napaisip na ako na baka naman marketing strategy lang si Sari Roti. Hindi impossible dahil sa panahon ngayon na halos lahat ng tao is may smartphone na. Sa halagang P44.00 up to P78.00 na nakadiscount na ng dalawang (2) piso meron ka ng walo (8) or siyam (9) na slice ng tinapay na parang kalahati ng Gardenia. May tatlong klase ka pa na pwedeng pagpilian, ang soft, double soft at wheat. Mabango ang tinapay, masarap ang tinapay kung yung soft and double soft ang pag uusapan. Pagdating sa wheat nila hindi sya katulad ng Gardenia na magaspang habang nginunguya mo at nilulunok. Pero magiging praktikal ako babalik ako sa Gardenia kasi mas mura pa din sya. Hindi ko afford kasi yung presyo para sa kalahating serving lang. Masakit sa bulsa kung tutuusin.

Hindi po paid blog ang article na to, wish ko nga sana paid lahat ng sinusulat ko para kumikitang kabuhayan ako paminsan minsan. Lahat nakasukat dito sa article na to ay pawang galing sa daliri ko na inautos ng utak ko na gawin nya.

Add a Comment

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.