Laki Beach of Five Fingers Cove

Laki Beach of Five Fingers Cove


Nagkakayaan kami nila ate, asawa ng kuya ko na gumala nong nakaraang long weekend (yung araw ng botohan para sa baranggay at sk) pero dahil walang maisip na lugar nong mga panahon na yun, nag-search ang pamangkin ko na malapit na beach na pwedeng mapuntahan galing ng Bulacan. At sinabi nya ay ang Five Fingers Cove sa Mariveless Bataan. Thanks sa tatay ng girlfriend nya at naarkila namin ang van nila sa halagang (7000php), mahal para sakin dahil pito lang naman kaming sumakay plus ang dalawang fluffer namin sa Pom The Dog Blogger – lumalabas na 1000php ang isang tao.

Halos dalawang (2) oras ang binayahe namin mula Baliuag papunta sa aming destinasyon. Kung alam nyo ang papunta sa kilalang Camayan Beach Resort halos ganun din ang way papunta sa tinatawag na Porto sa bayan ng Balon sa Mariveles kung saan dito ka pwedeng umarkila ng bangka na noon ay nagkakahalaga lang ng 2500php (day tour) at 3500php (overnight) ayon sa website ng jontotheworld at kahit pa yung hinanap naming bangkero ay yung pangalan na nakalagay sa blog ni mariaronabeltran – siningil pa din kami ng 3500php para sa day tour dahil ganun naman daw talaga ang singilan nila. Ang bayad mo sa bangka ay may kasama ng Cove Hopping sa buong Five Fingers Cove, pero hindi namin napuntahan lahat ewan ko sa bangkero namin at di kami nilibot sa lahat ng spot. Hindi tuloy sulit ang 3500php dahil ang daming spot na hindi ata namin napuntahan.

Una naming naging destinasyon ay ang bat cave o mas kilala sa tawag na Pulong Kwayan Cove. Pwede nyo puntahan ang loob ng cave kung hindi kayo madaling pulikatin dahil malalim ang tubig papasok sa loob. Maganda din gawing background ang mga batuhan na nasa gilid para may pangpost ka sa Instagram or sa Facebook account mo. Doble ingat nga lang ang kailangan kung ayaw mong mauna ang mukha mo sa matutulis na bato sa lugar.

Pangalawa naming pinuntahan ang cliff diving area or ang Tinanlakan Cove. Forty (40) feet lang naman ang lalim ng tubig dito sabi ng mga bangkero. May maganda ding spot sa taas para mag-pictorial ulit. Nong time namin naabutan namin ang mga bikers ibig sabihin may ibang ruta papunta dito sa cliff diving area.

Pangatlo naming pinuntahan ang rock formations or ang Nagbintana Arc. Hindi na namin pinuntahan yung arc mismo dahil may mga bata kaming kasama at fluffer din. Dahil ang dadaan mo ay batuhan kaya kung hindi ka mag-iingat sa paglalakad patay ang mga kalyo mo sa talampakan.

Ang huling naging destinasyon namin is ang Laki Beach na ayon sa mga nakausap namin is pagmamay-ari ng isang Atty. Carlos. Dating may-ari ng Laki Beach ay isang politiko na taga-Pampanga ayon sa bangkero namin bago ito nalipat kay Atty. Carlos. Walang tapon naman talaga sa beach na to kaso from 100php na day tour base sa dalawang blog na nabasa ko naging 200php na ang entrance fee dito. Ang laki kung tutuusin ng kinikita ni Atty. Carlos dito kung lahat nga ba ng binabayad ng mga dumarayo dito ay napupunta sa kanya. Sakabila ng medyo entrance fee dito iilan lang ang cottages na pwede mong magamit, so first come first serve ang labanan. May pinaparentahan namang lamesa ang mga bantay sa halagang 50php pero maghahanap ka pa din ng slot kung saan ka pwedeng sumilong sa tindi ng sikat ng araw. Pwedeng mag-dala ng tent kung plano nyong mag-overnight sa halagang 350php daw ayon sa bangkero namin. May mga pinaparentahan din na tent ang mga bantay pero wala na akong idea kung magkano ito. Wala masyadong amenities na pwedeng magamit bukod sa comfort room na tinayo gamit ang kawayan at pawid na kailangan mong mag-igib muna dahil nasa labas ang source ng tubig. May ginagawa atang comfort room pero mukhang matatagalan pa bago matapos. Kung pangpictorial lang naman ang habol nyo eh swak na swak ang Laki Beach dahil kahit dagsa ang umaalis at dumadating may spot ka pa din na pwede mong masolo sa mga shot mo. Hindi din mala itik ang tao sa dagat dahil yung iba at nililibot ang dalawang gilid nito dahil pwede kang manulay sa mga batuhan para makarating sa dulo. Doble ingat lang lalo na sa mga may dalang phone na hindi naman waterproof.

Kung mahaba pa ang oras nyo pwede din kayo mag side trip sa Sisiman Lighthouse, ilang kilometro lang din ang layo. May beach din dito at grotto at isang malaking tipak ng bato na pwedeng akyatin.

Ang alam ko dito din sa lugar na to yung naging viral na photo na parang nakahiga ang isang tao (babae) na naging bundok. Kung makukunan nyo sya ng mas maayos kesa sa kuha ko mas mainam.

Overall verdict, bagong getaway na sya para sa mga gustong layasan muna ang problema sa buhay pero after non sana ay makatulong ang Laki Beach sa pagmumuni-muni mo at magkaroon ka ng solusyon sa pinagdadaanan mo.

Expenses per person?

  • Van: 1000php
  • Boat Rental: 437.50php
  • Entrance Fee: 200 (day tour)

Total: 1637.50php

Add a Comment

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.