Izakaya Kenta Update 101

Izakaya Kenta Update 101


Lahat naman ng bagay nag-babago. Yung iba nag-babago kasi kailangan, tulad ng pag-babagong magaganap sa Izakaya Kenta, isang Japanese Restaurant na nagse-serve ng authentic japanese cuisine sa Malate, Manila since 1997 hanggang sa mag-karoon sila ng maliit na branch sa Banawe sa Quezon City.

Isa sa pagbabagong magaganap sa Izakaya Kenta ay ang price increase ng kanilang menu. Ngayon lang sila nagkaroon ng pagbabago sa presyo after ng ilang taon. Kung tutuusin, napag-iwanan na ang presyo nila sa costing ng market ngayon – idagdag mo pa ang makontrobesyal na Train Law ng Duterte Administration.

Ang pagbabagong ito ng Izakaya Kenta ay kailangan at hindi dahil gusto lang nila. Kalakip ng pagbabagong ito magkakaroon din sila ng bagong kopya ng menu.

Isa pang malaking pagbabago sa kanila ay pag-konpirma na pwede na din malasahan ng mga taga San Juan City ang authentic foods ng Izakaya Kenta dahil magkakaroon na din sila ng branch dito. Kaya naman para sa mga karagdagang detalye, bisitahin ang kanilang website or ang kanilang Facebook Fan Page kung kailan at saan sa San Juan itatayo ang bagong Izakaya Kenta.

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.