I played Grand Chase PC version way back 2009 if my memory serves right. And talaga namang malaki ang nagastos ko este malaki ang naging impact sakin ng game. Madami akong nakilala na hindi lang pang online ang friendship kundi umabot hanggang sa personal na buhay, nakakaiyak no? At ngayon taong 2018 mas lalong nakakaiyak dahil yung minahal mo before na nawala na lang dahil sawa na, pagod na ay muling nagbabalik dahil binuhay ni KOG, developer ng Grand Chase ang laro sa bagong bahay nito, ang smartphone. Yes, kung nabasa nyo ang recent post ko – Grand Chase – One More Time, official na sinabi ng direktor ng KOG ang pag-release ng #officialgrandchasemobilegame dito sa Pilipinas katulong ang kanilang partner ang Elite Game.
And me as a former grand chaser at walang halong biro, the game is actually good, except sa natapos ko na ang adventure ng bagong protoganist na si Kyle at Cindy kasama ang kanilang teacher na si Grandiel ay ni hindi ko man lang nasilayan ang favorite character kong si Lire, isa original three ng Grand Chase. Yung kwento ang isa sa malaking factor kaya ko nagustuhan ang game kaya naman naisipan kong i-upload sa youtube yung story run ng account ko na may in-game name na Percy. Isa sa hindi ko makakalimutang linya dito is yung na-meet na ng grupo nila Grandiel si Rufus at sinabing “you’re getting weak” something like that. Parang mas na-eexcite ako kung paano babawi si Lass dahil kahit sya aminadong humina sa Dimensional Chasm.
Isa pa sa ikagulat ko is ang plot twist sa dulo nh Terakano Arc. Si Decanee na feeling ko is main, or kung hindi man isa sa major antigonist ng kwento ngayon at si Kazeazee pala.
Paano naman ang game? Puro story na lang ba? Like I said, the game is actually good. Hindi naman ako yung taong hindi marunong mag-move on. I already accept the fact that the original gameplay of Grand Chase is dead long long long time ago. Namatay na sya sakin simula ng nawala na sakin ang mga pinagkagastusan kong Gacha Set sa mga characters ko. Pero dito sa bagong tap and drag gameplay, nag-eenjoy naman ako so far sa #gatherandslay na taktika para maka-clear ng isang run. Siguro isa sa iiwasan ko is ang gastusan ang account ko, lesson learned na din sa mga nangyare sa buhay gamer ko before. Isa pa sa nagustuhan ko sa game is pwede kang magpromote ng isang hero/unit – from S to SR, from A to S. Hindi na masama di ba dahil yung bago mong character na magugustuhan pwedeng i-max ang promotion kahit B Tier pa sya. Sipag at tyaga nga lang ang kailangan mo.
So far, ito lang siguro ang maipapayo ko sa ilang gustong magkaroon agad ng SR Hero sa game.
- As far as I know, hanggang August pwede magre-roll ng account. Kaya naman kung ayaw mo sa mga na-pick mo pwede mo ulit ulitin ang roll na binagay ng GrandChase PH na x10 Premium Hero.
- Mag-ipon ng gems at huwag sayangin ang gems, ilaan sa mas mahalagang bagay.
- Mag-ipon ng gold dahil kailangan mo yan para mapalakas mo din ang mga hero mo.
- Huwag ibenta ang mga hero basta basta. Pwede mo ito gamitin para makakuha din ng SR Hero kung sinuswerte.
- Kumpletuhin ang daily and weekly mission dahil malaki ang naitutulong nito sa pag-iipon ng mga materials na ginagamit sa pag-upgrade.
Narito ang ilang mga screenshot mula sa game mismo lalo na sa event kasabay ng release ng game.
Hopefully, tumagal ang game at humaba ang story dahil for sure isa ako sa magtatagal na player ng bagong Grand Chase. Huwag lang sana maging gatasan to ng KOG dahil bukod sa Brazil ang Pilipinas ang may pinakamaraming fans ng game at syempre pag-ganun ang scene may mga gagastos at gagastos talaga.