Byaheng Catanduanes

Byaheng Catanduanes


Never ko naisip na makakapunta ako sa isang isla na tulad ng Catanduanes dahil sa “masyado syang magastos” para sa isang empleyadong hindi naman ganun kalakihan ang kinikita sa isang buwan at sa leave na binigay ng napakaganda mong kumpanya na mabibilang mo lang sa daliri ng kaliwang kamay mo para sa buong taon. Pero buti na lang ay may dumaang long weekend kaya ang hindi ko inaakalang bakasyon ay natupad kahit hindi ko naman hiniling. Ganun talaga minsan, may mga bagay na kahit hindi mo hilingin kung para sayo – dadating at dadating sayo yun. Parang yung dahilan kung bakit kami nag-bakasyon ni Liit sa isla ng Catanduanes, yung hindi ko inaasahang dumating sya sa buhay ko tatlong taon na ang nakakalipas.

Nilayasan muna namin pansamantala ang stress na dulot ng kumpanyang ginawa ka ng alipin araw araw. Mula sa Manila kailangan mong magbyahe ng halos labing dalawang oras (12) sa lupa papunta sa Tabaco kung saan mula dito kailangan mong sumakay ng barko at maglayag sa loob ng dalawang (2) oras patungo sa daungan ng San Andres and viola nakarating ka na sa isla ng Catanduanes.

First come first serve ang pagkuha ng ticket sa barko papunta ng San Andres at pabalik ng Tabaco. May oras din ang byahe, as of April 28, 2018 – Silangan Express 1 lang daw ang bumabyahe ng balikan dahil under maintenance daw ang dalawa (2) pa nilang unit. May Calixta naman na pwedeng sakyan pero aabutin ka daw ng syam syam sa dagat bago ka nga lang makadaong.

Mula sa San Andres Port pwede ka nang mamili kung saang bayan sa Catanduanes ang gusto mong puntahan. Sa blog na to makikita nyo lang ang mga sweet pictures namin ni Liit at mapapa-isip ka na lang na “maganda/gwapo naman ako pero bakit single pa din ako”. Pero kahit single ka pwede ka pa din pumunta at magbakasyon sa Catanduanes at malay mo dito mo makita ang pureber mo.

Madaming pwedeng puntahan dito kaya naman kung magbabakasyon ka dito siguro dapat isang (1) linggo para sulit. Kung ang starting point mo ay San Andres Port at gusto mong puntahan ang bayan na halos laging nasa newsfeed ko pag Catanduanes ang pinag uusapan, ang Virac. Maari kang sumakay ng jeep (P25.00/per head) or tricycle (P50.00/per head or P200.00-P300.00/special) paglabas mo lang ng port. Pagdating mo ng Virac pwede ka ng kumontrata ng tricycle para ilibot ka sa mga destinasyon na magandang ipang-rampa sa mga social media accounts mo at ipakita mo sa ex mo na hindi mo sya kailangan para maging masaya. Ilan sa mga napuntahan namin ni Liit sa tatlong (3) araw namin dito sa Catanduanes ay ang mga sumusunod.

Puraran Beach

Ang Puraran Beach ay bagay para sa mga mahihilig mag-surf dahil malakas ang alon dito, kaya naman tinagurian itong Surfing Capital sa Catanduanes – ikaw ba naman ang nasa harap mo ay ang Pacific Ocean di ba? Kaya naman tuwing sasapit ang buwan ng September hanggang November, dinarayo pa ang Puraran Beach lalo na tuwing may competition para sa mga surfer. Ang kagandahan pa sa Puraran Beach ay hindi pa dagsa ang tao kaya maeenjoy nyo talaga ang view, ang paglasap ng maalat na tubig dahil solo nyo pa din ang pampang. At dahil malaki ang space naglakas loob ako na iset ang tripod at timer ng cellphone ko para sa isa sa mga bucket list. Huwag nyo po sana akong husgahan hahaha.

Maswerte ka pa kung matyempuhan mo pang low tide dahil pwede mo lakarin ang mga ilang rock formation at mag-ala Ariel sa pictorial para may maipost ka sa Facebook or sa Twitter account mo. Halos fully booked na dito nong dumating kami pero buti na lang at may isang room na nabakante dahil hindi dumating ang nagpareserve. Kinuha namin ang kwarto sa halagang 800php na good for four (4) persons, meron ka ng dalawang (2) kama, isang electric fan, comfort room at birandra na pwede mong tambayan sa umaga or sa gabi at magpahangin. May dalawang pwedeng makainan dito na nago-offer na halos parang lutong bahay lang.

Nandito ka na rin naman sa Catanduanes, iwan mo na muna ang lutong baboy at manok at subukan ang sea food na inihahain nila.

Binurong Point

Halos thirty (30) minutes din ang byahe papunta dito kung galing ka lang ng Puraran Beach. Pwede kang mag-sabi sa mga bantay sa dalawang kainan na gusto mong pumunta ng Binurong Point para makatawag sila ng tricycle na maaarkila sa halagang 400php. Kailangan mong maglakad ng halos thirty (30) minutes din mula sa drop off point paakyat sa Binurong Point. Kailangan mong magbayad ng environmental fee na 20php or 40php ata at guide na 400php or 500php.

Kailangan daw may guide ang lahat ng papasok sa Binurong Point dahil ayon sa mga taga roon ay may nanliligaw sa daan. Totoo man o hindi, ang isipin mo na lang ay tulong mo na ito sa mga taong naghahanap buhay. Kailangan mo na lang magdala ng tubig dahil open na open ang lugar sa sikat ng araw. Mas maganda daw magpunta dito ng bukangliwayway palang at salubingin si haring araw sa mala Batanes na awra na ibibigay sayo ng lugar.

Twin Rock Beach Resort

Ang Twin Rock Beach Resort ay isang resort na pagmamay-ari ng isang politiko dito sa Catanduanes. Sa mga gantong eksena syempre hindi mawawala ang entrance fee pero mabuti na lang at iba ang bayad kung sa beach ka pupunta at sa pool. Hindi na din kami siningil sa cottage, pero may mga available silang room para sa mga gustong mag overnight. May mga activity din sila dito like kayak, zip line, bike, snorking, diving na may kanya kanya rates. Pet friendly din ang resort dahil may nakita kaming Husky na nakapasok sa loob at naligo sa beach. Mukhang suki ang Twin Rock sa mga gustong mag reunion dahil dalawang grupo ang merong event dito nong araw na nagpunta kami. Twin Rock tawag dahil merong dalawang malaking bato sa gitna ng dagat na pwede mong puntahan via kayak.

Maribina Falls

Ang Maribina Falls ay nasa bayan ng Bato. Hindi mahirap akyatin ang falls na to kumpara sa mga naakyat namin sa Baler at sa Rizal. Kung tutuusin kapag tinatamad ka pa nga pwede ka pang magpahatid sa tricycle mula sa kanto ng national road papunta sa mismong entrance ng falls.

Merong tatlong layer ang Maribina Falls, ung unang layer ay yung pinakamalalim, yung pangalawa ay mababaw at yung pangatlo ay may part na medyo malalim at mabato. Kung matapang tapang ka pa, pwede mo akyatin ang tuktok kung saan galing ang bumabagsak na tubig ng falls, doble ingat lang dahil medyo madulas at may makitid na part sa dadaan. Wala ding harang sa tuktok kaya naman sure na dire-diretso ka sa baba pag nagkamali ka ng hakbang.

Amenia Resort

Mas nagustuhan ko ang Amenia Resort kesa sa Twin Rock Beach Resort. I dunno baka dahil siguro padapit hapon na nong dumating kami dito kaya mas na-enjoy ko ang paglubog ni haring araw. Magandang mag-pictorial dito dahil medyo may pagka-sand bar ang datingan ng lugar. Medyo maulap lang din ng kalangitan pero feeling ko kitang kita dito ang Mayon pang background sa mga picture mo sa Instagram.

Breakwater / Sea Breeze

Kung gusto nyo naman mag night life andyan ang Sea Breeze na malapit sa breakwater dahil ang likod ng Sea Breeze ay ang Virac port. Pwede din kayong mag-night photography sa breakwater lalo na kung matyetyempuhan nyo na full moon.

Madami pang pwedeng puntahan sa Catanduanes at sana makabalik kami ulit para ma-experience namin yung saya na pwedeng ibigay ng bawat lugar.

Bayan ng Pandan

  • Hiyop Point
  • Tuwad Tuwadan Blue Lagoon

Bayan ng Bagamanoc

  • Buto ni Kurakog
  • Luyang Cave
  • Batong Paluway

Bayan ng Baras

  • Balacay Point

Bayan ng Gigmoto

  • Nahulugan Falls

Bayan ng Viga

  • Soboc

Bayan ng Bato

  • Batalay Shrine
  • Bato Church
  • Batalay Mangrove Eco Park

Bayan ng Virac

  • Jesus Face Beach

Expenses

  • Pasay – Tabaco: P850 (DLTB Bus Line)
  • Tabaco Port – San Andres Port: P320.00 (Fastcraft) + P30.00 (Terminal Fee)
  • San Andres Port – Virac: – P25.00 (Jeep) / P300.00 (special trip)
  • Puraran Beach Room Rental: – P800.00
  • Puraran Food: – P130.00 – P150.00
  • Puraran Beach – Binurong Point – P200.00
  • Binurong Point Environmental Fee – P20.00 / P40.00
  • Binurong Point Guide – P400.00 / P500.00
  • Puraran Beach – Baras P400.00
  • Baras – Virac P30 – P40.00
  • Virac – Twin Rock P150.00
  • Twin Rock Entrace Fee: P50.00
  • Virac – Maribina Falls P60.00
  • Maribina Falls Entrance Fee: P20.00
  • Virac – Amenia P150.00
  • Amenia Entrance Fee: P40.00

Ang bakasyon namin sa Catanduanes ay hindi maisasakatuparan kung hindi dahil sa buong pamilya ng Torrenueva, pamilya Turado, pamilya Teves at pamilya Arcilla na buong puso kaming tinanggap at inaruga sa loob ng apat (4) na araw at tatlong (3) gabi.

Add a Comment

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.