Ako bilang isang mahilig sa mga Gundam, isa sa listahan ko na puntahan taon taon is ang mga expo na laging ginaganap sa Manila. Pero syempre laging nasa listahan lang sila dahil malayo para sa akin na manggagaling pa ng Baliwag tapos magpipicture picture lang ako. Mabuti na lang at nabuo ang Malolos Toys and Hobbies Convention o mas kilala sa tawag n MALCON dito sa lalawigan ng Bulacan.
Ang sabi ng organizers, ang MALCON ang isa sa malaking toys and hobbies event sa Pilipinas na ginagawa sa Bulacan, kaya mga Bulakenyo – mag-bunyi tayo dahil sariling atin ito. At nito lamang weekend, February 15-17 ay ginanap ang MALCON 2019 Kick Off sa SM Center Pulilan kung saan ginanap ang Press Conference para sa detalye ng MALCON 2019.
At kahit delay ng dalawang (2) oras ang nasabing press con dahil 1:00PM ang nasa invitation at 12:00PM ako dumating, nag-hintay pa din ako dahil sa kagustuhan kong i-cover ang gawang Bulakan. Mabuti na lang at walang ibang schedule ng araw na yun pero sana inisip ng organizer yung ganung factor, hindi din kasi nila sinabi ang rason kung bakit delay ang nasabing press con
Sinabi sa press con ang mga usual na makikita sa isang expo or convention which is mga booth ng kanilang mga exhibitors tulad ng ilang nasa Kick Off.
Sinabi din nila ang mga nasa listahan ng kanilang mga guest na sila
- Berlin Manalaysay (creator of Combatron)
- Jerry Santos (CEO of Jerry’s Life Size Statues and Collectibles)
- Christian Rodil (cosplay designer of Mark Industries)
- Thomas Regala (creator of Combatron card game)
- Alfredo Alcala Jr
- Mark Anthony “Krazykyle” Gianan (The Filipino Picker)
- Bari Silvestre (chief of Keybol Games)
- Dex Villamin (CEO of Sinag Animation Studios)
Ngayong taon ng MALCON kung saan dito talaga nakuha ang attention ko, magkakaroon sila ng kanilang kauna-unahang corporate social responsibility na MALCON Cares kung saan pumili ang pamunuan ng MALCON ng dalawang (2) child learning centers sa isang baranggay sa bayan ng Malolos para maging kauna-unahang beneficiaries nito. Ako mismo at ang Camp Demidog ay bumuo last year ng isang advocacy kaya nakakatuwa na marinig mula isang malaking organisasyon na bumuo din sila ng gantong programa.
Ang MALCON ay FREE ADMISSION ngunit humihiling lamang sila na sana may dala kayong isang lapis at isang notebook para maging donasyon sa MALCON Cares Program. Isa lamang ito sa paraan para makatulong sa napiling beneficiaries nila. Ayon din sa pamunuan ng MALCON
For every item you guys purchased through our official merchandise partner, 15% of the total amount will go directly to MALCON Cares. Even the item that was sold in the auction the 15% will go to the program.
Ang MALCON 2019 ay naka-set ng April 26-28 sa Malolos Sports and Convention Center kaya naman markahan nyo na ang mga kalendaryo nyo at suportahan ang event na to na gawang Bulakenyo.
Para sa ibang detalye ng nasabing event, pwede nyong bisitahin ang kanilang Facebook Page.
Paalala: Hindi ito sponsored post ng nasabing event kaya walang kinalaman ang pamunuan ng MALCON sa nakasulat dito.