Be part of the pack at Big Bad Wolf 2019

Be part of the pack at Big Bad Wolf 2019


I-ready ang katawan para sa ilang oras na pag-iikot. I-ready ang mata para sa mga hahanaping title at syempre i-ready ang bulsa dahil narito na ang Big Bad Wolf 2019.

Ito ang second year ng Big Bad Wolf dito sa Pilipinas kung saan halos 50% up to 90% discount ang offer nila para sa kanilang pack. Kung last year ay last day na kami nakapunta ni Liit ngayong taon nagbakasali ako na pumunta ng VIP Day kahit wala akong pass dahil hindi naman ako nanalo sa kanilang Facebook contest. At kahit quarter to 8:00PM na ako dumating nag-bunga naman ang aking byahe mula Bulacan dahil namimigay na na sila ng VIP Pass.

Kahit na hindi pa talaga open for public ang event sobrang dami na ng tao sa World Trade Center. Ganto kadami ang gustong makapag hoard ng libro.

Unang una kong hinanap sa loob ng Big Bad Wolf ang pwesto ni Rick Riordon dahil isa akong feelingerong demigod.

Laking tuwa ko ng may maabutan pa akong copy ng hard bound ng Heroes of Olympus series (P230.00) kaya naman nilagay ko na ito sa basket ko. Ang Greek Heroes na hard bound naman is P350.00. Ilan pa sa libro ni RR ay ang Magnus Chase, Kane Chronicles, Trial of Apollo. Pero sana kumpleto ang series ng mga nasabing title sa BBW2019.

Ilan pa sa mga nailagay ko sa basket ko ay Mortal Instrument Series na nasa P1550.00, Artemis Fowl na P1350.00, Divergent Series na P870.00, Narnia Series for P1150.00, Maze Runner Series for P980.00, Hunger Games for P570.00.

May isa lang akong napansin sa loob and hindi ko sure kung marketing strategy nila ito. May mga libro lalo na pag series ay magkakahiwalay, may isang series ako ni LJ Smith na nakuha ang apat na book sa ibat ibang table. Feeling ko din ay ilalabas nila ang ilang part ng book sa ibang araw dahil sa sinabi ng Big Bad Wolf 2019 na “no days is the same”.

Ang Big Bad Wolf 2019 ay open 24 HOURS MULA February 25 hanggang March 4 2019 sa World Trade Center. Meron pa silang ongoing na contest para sa mga pumunta at nakapunta. Mag picture lamang at ipost sa inyong mga social media gamit na may kasamang hashtag na #iamatbbwmanila2019 at #thisisfrombbwmanila2019. Para sa karagdagang detalye pwede nyong bisatihin ang kanilang Facebook Page.

Notes: Ang blog ba ito ay hindi sponsored ng nasabing event kaya naman walang kinalaman ang post na ito sa kanila.

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.