Be a Chaser One More Time

Be a Chaser One More Time


Paano kung bumalik yung minahal mo ng sobra pero iniwan ka lang? Ano gagawin mo? Ganyan ang eksena ngayon ng Grand Chase para sa Pinoy community. Muling bumabalik ang Grand Chase pero hindi na sa PC kundi sa Mobile, na halos lahat ng Pinoy – mapabata o matanda, may ngipin man o wala ay meron ng Smart Phone.

Sa conference na naganap this June 23, 2018 sa Marco Polo Hotel sa Ortigas Pasig City, pinakilala ng KOG Director na si Rafael HS Noh ang bagong Grand Chase – Dimensional Chaser – real time strategy action rpg kung saan nag-simula ang pre-registration last June 13, 2018. At sa tulong ng ELITE GAMES (KOG’ publishing partner) maaari ng subukan muli ng mga Pinoy community ang nasabing mobile games this coming July 2018.

Pero lahat ng bagay ay nagbabago, ika nga ng matatanda walang permanente sa mundo – nasa atin na lang kung paano natin tatanggapin ang pagbabagong ito tulad ng pagbabago na meron sa Grand Chase – Dimensional Chaser. From side scrolling gameplay to tap and drag operation kung saan ang mga players ay pwedeng umatake ng kahit ilang enemies sa screen gamit ang apat (4) na characters at gamitin ang #gatherandslay strategy.

Narito ang short video ng actual gameplay.

Bukod sa original characters ng Grand Chase, meron pa kayong makikilalang animnapung (60) bagong characters sa bagong storyline para sa mobile version ayon sa developer. Hindi ko lang sure kung ang laman ng lootbag na pinamigay during the conference ay ang magiging official merchandise ng publisher pero sa totoo lang maganda idea yung gantong merchandise kesa sa landyard at pin or shirt, for me lang naman na mahilig mangolekta ng mga pang display.

We are very pleased to announce that the official sequel of GrandChase in Mobile will be released to our dedicated Filipino fans who have nostalgic memories of the original GrandChase… It is not just about memories, but this is a game filled with new experiences and fun for new players as well. You’ll be able to experience the unique and familiar charm of GrandChase while embarking on new and fresh adventures. – Grand Chase Developer

Narito ang ilang “facts”, kung pwede kong sabihin “facts” about sa bagong Grand Chase ukol sa isang kilalang former grand chaser.

  • GCDC is a Mobile Game.
  • A “sequel” to the Original PC Game as per developer.
  • Characters will be a Gacha Rate.
  • Tiers will be on SS – S – A & B.
  • 1% Rate up For SS Tier Characters (KR Server).
  • As of now the original Grand Chase Characters are rate as SS Tier.
  • Current Available in KR Server as as follow; Elesis – Lire – Arme – Rufus – Ronan – Lass – Ryan – Amy – Jin – Lime – Dio – Rin (soon to arrive).
  • 5 Type Characters; Assault – Tank(type Name Pending) – Ranged – Mage – Support.
  • Gears are not Gacha.
  • There is a PVP system.
  • There is a Boss Raid.

Sa tanong ko kung ano gagawin mo kung bumalik man ang dating mahal mo, nasa sayo na ang decision kung mamahalin mo sya ulit kahit pagsabihan kang tanga ng mga kaibigan mo or ituloy mo ang pagmomove on at okay na lang sayo na maging mag-kaibigan kayo, walang commitment, hindi ka pa gagastos, casual lang.

Para sa mga ibang detalye pwede nyo bisitahin official website ng KOG at official Facebook Page ng Grand Chase – Dimensional Chaser.

Add a Comment

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.