Nakaakyat na ako ng bundok nong bata pa ako if my memory serves right, 3years or 4years old ako non dahil nasa likod lang ng bahay ng tito ko sa Mindoro ang bundok and sa kasamaang palad wala pa sa bokabularyo ko ang mga salitang appreciate at amaze. Kaya naman opisyal kong sasabihin at taas noo kong ipagmamalaki na ang Batulao ang “mother mountain” ko period dot dot dot tatlong exclamation point para mas feel mo din.
Worth it ang gastos at pagod sa limang oras na paglakad namin paakyat at pababa sa ganda ng view na makikita mo sa taas. Yung makakalimutan mo ang hingal mo once na makita mo yung mga damo na akala mo sunod sunod na alon nang isang dagat dahil sa malakas na hangin. Yung trail na kung tawagin daw ay “dragon trail” ayun sa kakilala ko – feeling ko ako si Son Goku na tumatakbo para makahabol sa laban nila Picollo at Gohan kay Vegeta.
Saan matatagpuan ang Mount Batulao?
Ang Batulao ay matatagpuan sa Nasugbu, Batangas. Meron itong dalawang trail, ang old trail na binuksan noon pang 1990s na merong 10 peaks papunta sa summit at base sa mga naka-akyat na dumaan dito – itong trail na to ang mas challenging while ang new trail na binuksan noong 2004 ay meron namang 12 peaks. Nandito naman sa trail nato ang magagandang view ng kabuuan ng bundok. Base sa PH Mountains Applications, binigyan ang Batulao ng 4 stars difficulty. Ang new trail ay may habang 5.6km mula sa jump off ayon sa guide namin samantalang nawala sa isi ko na itanong ang detalye ng old trail kung gaano ito kahaba.
Update as of 20170225
Merong bagong trail na binuksan paakyat ng Batulao – ang San Jose trail.
Ano ang 12 Peaks of Tips?
Kung aakyat kayo ng Batulao or ng kahit anong bundok na gusto nyo maari lamang sana na tandaan ang sarili kong 12 tips, kasingbilang ng peak ng Batulao.
Peak 1: Huwag maging maarte! Nong umakyat kami sa Batulao, maputik sa unang stage kaya naman wag mo masyadong isipin na kawawa ang sapatos mo, ang damit mo, ang katawan mo. Sana hindi ka na lang umakyat at nag-mall ka lang kung ganun.
Peak 2: Ilang oras na lakaran din ang gagawin mo kaya mag-dala ng sapat na tubig at pagkain. Magdala ng jellyace or anything sweet para pang energy boost. Pero hindi yung tipong nag-grocery ka nang pang isang linggo dahil goodluck na lang kung hanggang saan ka aabutin sa bigat at dami ng dala mo.
Peak 3: I-check ang weather forecast sa araw ng plano nyong umakyat. Kung ayaw mong mabasa ang mga mamahaling cellphone mo, magdala din kayo ng pananggalang sa ulan kung sakaling mali ng forecast ng araw na yun.
Peak 4: Magdala ng plastik, hindi kaibigang pede mong itulak pag nasa summit ka na kundi plastik na pwede mong lagyan ng basura mo. Mahiya ka naman, dumayo ka na nga magkakalat ka pa.
Peak 5: Maging friendly. Madami kang makakasabay or makakasalubong sa daan – batiin mo naman. Kaya hindi mo nakikita ang forever mo dahil ang suplado/suplada at ang sungit mo.
Peak 6: Honestly speaking madali ang new trail ng Batulao, kahit hindi na kayo kumuha ng guide okay lang pero as a beginner na din and for your safety mas mabuti na kumuha dahil mas madaming alam ang guide kesa sa inyo na first timer sa lugar at first time aakyat ng bundok.
Peak 7: Sapatos is the key. Mag-suot ng tamang sapatos. Kung seseryosohin mo ang gantong life style, mag-invest ka sa sapatos pero kung hindi naman at gusto mo lang subukan, okay na siguro yang paborito mong Adidas, Nike, Converse etc.
Peak 8: Mag-ingat at magdala ng mga emergency kit. Well, baka lang naman may kasama kang liparin ng hanggin dahil kakaisip kung paano makakapag-move sa ex nyang niloko sya ay at magpagulong gulong pababa – aba ready ka para sa gamutan di ba? Ou, pang beginner ang trail ng Batulao pero merong part ng bundok na bangin kung bangin ang nasa dalawang gilid mo. Kaya kung hindi ka mag-iingat mahuhulog ka na walang sasalo sayo, masakit yun.
Peak 9: Alam kong sinabi kong magdala ng baon pero kung kaya naman ng budget nyo, tulungan nyo din naman kumita ang mga nakatira don at bumili ng turon na tinitinda ng bata or buko at halo halo at spaghetti ng mga bawat camp or rest station. Mag-share ng blessings kung meron.
Peak 10: Itago muna ang mga dark color na damit kung gusto mong umakyat ng bundok. Mag-suot ng mga bright colors dahil mas makakatulong to kung sakaling magkawalaan kayo ng mga kasama mo lalo na kung balak nyo mag overnight sa bundok. Mas madaling kang makikita kung bright colors ang suot mo besides mas maginhawa sa katawan ang mga gantong kulay kesa sa black na parang ang init init.
Peak 11: Huwag magmadali. Hindi kayo kasali sa Amazing Race para makipag unahan sa pag-akyat at pag-baba. Magbigyan lalo na kung ang trail ay pang one lane lang. Hindi yung sasagot ka sa mga makakasalubong mo na “wala namang trafic light dito”.
Peak 12: I-enjoy ang view ng summit kahit na madami at kumpol na kayo don. Wala ka namang magagawa tyempuhan na lang para makakuha ng spot na maganda para sa picture picture taking nyo ng mga kasama mo.
Maganda ang Batulao, napakaswerte ng mga unang naka-akyat dito. Kung pwede lang sana na bigyan ng atensyon ng lokal na gobyerno or ng kahit baranggay na magkaron ng cut off sa bilang ng mga pwedeng umakyat para hindi nagkakaroon ng traffic sa kalagitnaan ng trail at kumpol na tao sa summit or sa ibang peak ng bundok. Ang sabi nga ng nga nakatira don hindi maeenjoy ng mga tao ang view kung ang bilang ng grupo na umaakyat ay 20 – 40 pataas. Nong umakyat kami merong grupo na hindi muna pinaakyat dahil ang bilang nila ay 100. Good news na lang dahil yung issue ng #Batollau ay mawawala na ayon sa mga nakatira doon. Kung totoo man ang kanilang sinabi tungkol sa registration. Ang dating 120php na registration para sa 5 gates ay magiging 60php na lang. Isang registration na lang sa jump off then pwede ka nang dumaan ng old to new. Nong umakyat kasi kami at new trail ang dinaanan namin, tatlong gate binayaran namin at yun ay nagkakahalaga ng 80php.
Sample Expenses
- Buendia – Nasugbu: 111
- Evercrest – Jump off: 120 good for 4pax
- Guide: 500 good for ten pax
- Bulalo: 40 isang malaking mangkok
Contact Number (Guide)
- Jhun 09293181863
- Edwin: 09488674991